Kabanata 4
Kabanata 4
Hindi makilala ni Madeline kung sino ang babaeng kausap ni Meredith habang nilalait siya.
Simula noong makapasok siya sa Crawford Family at makilala si Meredith, inisip niyang isa itong
dalaga na mabait, mapagkumbaba, elegante, at mahinahon. Subalit, sa ngayon…
“Galit na galit ako! Nagsayang pa ako ng oras para bumuo ng isang plano at para painumin si Jeremy
ng inuming may droga. Nagtawag pa nga ako ng mga reporters para may ebidensya na kasama ko si
Jeremy sa gabing iyon para pumayag na rin ang Old Man Whitman na ikasal ako sa kanila. Sino
naman ang mag-aakalang mali ang room number na napuntahan ko at iba pala ang kasama ko sa
gabing iyon, talagang aksidente pang sinuwerte si Madeline!”
Ito pala ang katotohanan; ito ang totoong mukha ng isang mabuting kapatid na kunwaring humihingi ng
awa para sa kanya ilang minuto lang ang nakararaan.
Mabilis ang tibok ng puso ni Madeline. Talagang mababaliw siya sa mga naririnig niya.
Ito ang babaeng pinakamamahal at pinakamabuti sa mga mata ni Jeremy.
Malambing ito at madaling makausap sa mata ng lahat.
Bukod pa roon, mataas talaga ang pagtingin niya rito dati.
“Tanga ka rin. Bakit nagkamali ka ng pasok ng kwarto?” Nagreklamo pa si Rose, ang nanay ni
Meredith.
“Gusto kong maging mas masaya kaya ininom ko na rin ang droga. Hindi ko naman akalaing epektibo
pala talaga?” Naiinis na sagot ni Meredith. “Anong sunod nating gagawin? Ayokong manatili siya sa
posisyon niya bilang Mrs. Whitman kahit isang segundo lang! Akin si Jeremy!”
“Simple lang naman. Kita mo naman ang pag-aalala ni Jeremy ngayon. Sabihin mo lang ang isang
salita, hihiwalayan niya ang hayop na iyon!” Kampanteng sagot ni Jon.
Nagsimulang tumawa si Rose. “Tama ang papa mo. Napilit lang naman si Jeremy ng matandang iyon.
Ikaw talaga ang mahal niya. Kahit anong sabihin mo, sa iyo ang posisyon ng Mrs. Whitman!”
Napasinghal si Meredith. “Sino ba ang walang kwentang iyon? Ang kapal naman ng mukha niyang
labanan ako para kay Jeremy. Kung hindi lang nag-match ang bone marrow namin, hindi naman siya
makakatapak sa bahay natin. Alam mo ba kung paano ako nandidiri sa tuwing tinatawag ko siyang
kapatid?”
Nang marinig ang mga salita ni Meredith, naramdaman ni Madeline na nandilim ang kanyang paningin.
Tila ba may gumagapang na lamig sa paanan niya.
Hindi siya inampon ng Crawford para sa ikabubuti niya kundi dahil kailangan ni Meredith ang bone
marrow niya.
Sa nakalipas na limang taon, tinatawag siya ni Meredith na kapatid bilang isang pagpapanggap
lamang.
Sa tuwing wala siya, walang halaga si Madeline sa kanila.
Heh.
Isang malaking biro.
Nasusuka si Madeline bigla. Tila ba hindi niya mawari ang pangit na katotohanan.
“Nakakainis nga eh! Sinadya ko pa naman itong pekeng pagpapakamatay para iwan ni Jeremy ang
babaeng ‘yun. Subalit, bago ko pa siya makausap, kailangan na niyang umalis para isang emergency
meeting,” nagreklamo si Meredith.
Gawa-gawa lang rin pala ang pagpapakamatay na ito; isang eksena lang ni Meredith para iwan siya ni
Jeremy.
Naisip ni Madeline na kalokohan ang lahat ng ito. Paanong ang isang matalinong lalaki gay ani Jeremy
ay nagkagusto kay Meredith?
“Mer, huwag kang mag-alala. Tatawagan ko si Jeremy mamaya at sasabihin kong nanggulo na naman
siya rito, dahil doon, gusto mo na namang magpakamatay at kinain ka ng emosyon mo. Sigurado
akong papayag siya na mag-divorce kapag nangyari iyon.”
Rinig ang plano ni Rose mula sa loob at mukhang masaya rin dito si Meredith.
“Ang galing mo talaga, Ma. Gawin natin iyan!”
Ang huling tulo ng pagmamahal ni Madeline para sa kanila ay nawala sa isang kurap ng mata.
Tumawa siya nang mahina at naglakad papunta sa pinto sabay sabi nang walang alangan, “Naniniwala
rin ako na hangga’t buhay pa ako, ang posisyon ng Mrs. Whitman ay hindi mapupunta sa iyo,
Meredith!”Text © 2024 NôvelDrama.Org.