Kabanata 44
Kabanata 44
Nadurog ang puso ni Madeline.
Mas malala pa ito sa sakit ng isang milyong pana sa kanyang puso.
Hinding hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. Malupit siyang pinilit na manganak at kinuha ang
kanyang anak mula sa kanya.
Hanggang ngayon, di pa rin niya alam kung lalaki o babae ang anak niya. Mas kamukha niya kaya ang
bata o mas kamukha ito ni Jeremy?
Tinginan ni Madeline ang Twitter account ni Meredith at nakita niya itong nagyayabang.
Pinagyayabang niya ang kanyang mga mamahaling kotse, branded na bag, at ang kanyang
reputasyon pati na ang kanyang pamosong tunay na magulang. Pinagmamayabang niya rin ang
kanyang anak kay Jeremy.
Nasa masamang babaeng kagaya niya ang lahat-lahat ngayon.
Sa kabilang banda, siya, si Madeline, ay walang-wala.
Nakakatawa.
Mayroong ilang pagkakataon na gustong hanapin ni Madeline si Jeremy. Subalit, napagtanto niya na
wala pala siyang katapangan na gawin ito.
Walang pigil siyang pinahirapan sa kulungan at maisip niya pa lang ito ay napapangiwi na siya.
Subalit, nang maisip niya ang tungkol sa kanyang nawawalang anak, humakbang pa rin si Madeline.
Nakatayo siya sa harapan ng mansyon kung saan siya ang dating matriarch at nakaramdam ng
kapaitan sa kanyang puso. Nang pipindutin niya pa lang ang doorbell, nakita niya si Meredith na
lumabas mula sa pinto.
Magarbo ang kanyang kasuotan at mukhang masigla pero arogante. Nang makita niya si Madeline sa
may pintuan, napahinto siya sa kanyang paglalakad habang may bakas ng gulat sa kanyang mga
mata. Subalit, isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.
"Nagtaka pa ako kung sino ka. It's my good sister. Bakit? Kailan mo pa nakumpleto ang reformation
mo?"
Lumapit siya suot ang kanyang high heels. Gustong masuka ni Madeline nang makita niya ang
kanyang nakakadiring ngisi.
Ayaw nang magsayang ng mga salita ni Madeline sa kanya. "Ibalik mo sa'kin ang anak ko."
Diretso siyang nagsalita. Nagbago ang ekspresyon ni Meredith nang marinig niya ito. Pagkatapos ay
mas lalong lumaki ang kanyang ngisi.
"Ang anak mo?"
"Oo! Ang anak ko! Ibalik mo ang anak ko!"
"Patay na ang anak mo," walang kaabog-abog na sagot ni Meredith. "Sabi ni Jeremy nakalibing ang
bastard child mo kasama ng nalaglag kong baby."
Nagdilim nang ilang segundo ang paningin ni Madeline. Pakiramdam niya ay nahiwa ang kanyang
puso at ngayo'y nagdudugo.
Hinatak niya ang kwelyo ni Meredith sa sobrang galit. "Sinungaling! Buhay ang anak ko! Ibalik mo ang
anak ko! Ibalik mo! Gusto kong makita si Jeremy! Sabihin mo makipagkita sa'kin!"
"Madeline, nababaliw ka na! Bitawan mo ko. If not, pagdurusahan mo ang consequences!" babala ni
Meredith. Ngunit, hindi na makontrol ni Madeline ang kanyang sarili. Namumula sa galit ang kanyang All content is property © NôvelDrama.Org.
mga mata at mas hinigpitan niya ang hawak sa babae.
Hindi makahinga si Meredith kaya tinawag niya ang security.
Gusto sanang tanungin ni Madeline ang tungkol sa kinaroroonan ng kanyang anak pero naramdaman
niya na may pumukpok sa kanyang batok. Pagkatapos ay nawalan siya ng malay.
Pagkatapos ng ilang oras, nagising si Madeline nang may sumampal nang malakas sa kanyang
mukha. Mabagal siyang nagising dahil sa mahapding sakit.
Nakahalukipkip ang mga braso ni Meredith habang nakatayo sa kanyang harapan. "Madeline, I guess
wala kang natutunan sa three years mo sa prison," sambit niya at yumuko para dutdutin ang sikmura ni
Madeline.
"I heard meron kang tumor over here. Lalala ito anytime at papatay sa'yo, right?" Nakakapangilabot
ang kanyang tawa. "Attack her! Lalo na ang part na 'to!"
Handa na kaagad ang mga arkiladong tao na nasa kanyang tabi. Sa sandaling binigay ni Meredith ang
kanyang utos, sinimulan nilang patamaan ang buong katawan ni Madeline, lalo na ang lugar kung
nasaan ang kanyang tumor.
Namaluktot si Madeline pero hindi pa rin siya makapagtago mula sa kanilang mga suntok. Ang sakit
mula sa kanyang sugatang kalamnan ay hindi maikukumpara sa mga sinabi ni Meredith, "Sabi ni
Jeremy nakalibing ang bastard child mo kasama ng nalaglag kong baby."
'Ang anak ko…'