Chapter 15
Chapter 15
"JANNA, wait!"
Susunod na sana si Jake sa batang babaeng nagtatakbo palabas ng simbahan kasama si Lea nang
maagap na pigilan ito sa braso ni Diana. Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya sa mga
magkakasunod na bombang nagmula mismo sa mga taong ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang
gagawa ng ganoon sa kanya.
Ramdam na ramdam ni Diana ang kakaibang mga tingin sa kanya ng mga naroon. Bawat segundong
lumilipas ay palakas nang palakas ang bulungan mula sa mga bisita. Nagmamadaling lumapit na rin sa
kanya ang mga magulang. Hinawakan siya ng ina sa braso pero nagpumiglas siya. Nanatiling
nakatuon ang mga mata niya kay Jake. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito. "Is that true?
Anak mo ba ang batang 'yon?"
'Wag kang aamin, utang na loob. 'Wag ngayon. Hindi ko kaya. Lihim na pakiusap niya. Hindi niya
matatanggap kung pati si Jake ay nagsinungaling sa kanya gaya nang mismong ginawa ni Alexis.
"How about you? Totoo bang magkakaroon kayo ng anak ng best friend mo?" Nang-uusig ring ganting
tanong ni Jake.
"I asked you first!"
"It doesn't matter who asked first, Diana!" Mariing sagot ni Jake. "Aminin mo sa akin ang totoo!"
"No! Ano ka ba, Jake? Paano mo nagawang paniwalaan 'yon?" Hindi napigilang ganting sigaw ni
Diana. Napatitig siya kay Alexis na naglalakad na rin palapit sa kanila ni Jake. "And how can you say
that, Axis? Ano 'tong ginagawa mo?"
"Janna is... really my daughter."
Gulantang na bumalik ang mga mata ni Diana kay Jake. Umawang ang bibig niya.
"I'm so sorry, Diana." Napayuko si Jake. "Plano ko naman talagang aminin ang totoo sa 'yo pero
pagkatapos na sana ng kasal dahil natatakot akong hindi mo matanggap-"
Agad na umigkas ang kanyang palad sa pisngi ni Jake dahilan kung bakit hindi na nito nagawang
dugtungan pa ang mga paliwanag nito. Magsasalita pa sana siya nang mayroon na namang nagsalita
mula sa mga bisita. Kailan ba matatapos ang mga magsasalita at mamamakialam na iyon? Lahat ay
maaatim niyang pakinggan pero hindi sa pagkakataong iyon.
"Naaksidente 'yong bata! Nasagasaan siya ng sasakyan!"
"What?!" Napasinghap si Jake. Agad itong bumitaw kay Diana. "I'm sorry, Diana. I will talk to you, I
promise. I just..." Natatarantang napailing na lang ito bago nanakbo palayo at iniwan siyang mag-isa sa
gitna ng lahat ng iyon.
Parang bigla siyang namanhid. Wala siyang maramdamang kahit na ano sa kanyang puso maliban sa
takot na salubungin ang mga mata ng naroroon. Nagtatakbo siya palabas ng simbahan. Narinig niya
ang pagtawag sa kanya ng mga kaanak pero pinigilan niya ang sariling lumingon. Dumeretso siya sa
bridal car at sumakay doon. Agad na pinaharurot niya iyon palayo. Belongs to NôvelDrama.Org - All rights reserved.
Nang makalayo na, saka nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. Napahikbi siya na hindi
nagtagal ay nauwi sa paghagulgol. Ang pinangarap niyang kasal sa isang iglap ay winasak ng
nagsanga-sangang mga kasinungalingan. Ang inakala niyang tamang lalaki ang siya mismong nanloko
sa kanya. At si Alexis... Si Lea... Ano'ng ibig sabihin niyon? Magkasabwat ba ang mga ito sa pagsira
ng pinakaimportanteng araw na iyon sa buhay niya? Pero bakit? Anong ginawa niya sa mga ito?
Bigla niyang inihinto ang sasakyan. Natutop niya ang dibdib nang magsimulang magsikip iyon. Ni hindi
siya makahinga sa tindi ng pinaghalo-halong sakit na nadarama. Naisubsob niya ang ulo sa manibela.
Ang gusto niya lang naman ay magmahal at mahalin rin. Desperado siyang makahanap ng taong
magpapagaling sa kanyang puso. Pero hindi kagalingan ang natagpuan niya. Dahil sa nangyari ay
nadagdagan pa ang mga sugat niya. Pinatatag ng pagdating ni Jake ang puso niya para lang wasakin
rin iyon sa bandang huli.
Nawala si Yves. Hindi siya minahal ni Alexis at base sa itinakbo ng mga kaganapan ay para siyang
pinaglalaruan pa nito. Niloko siya ni Jake. Bakit ganoon? Wala ba siyang kwentang babae? Hindi ba
siya karapat-dapat na mahalin?
"God... if I'm not meant to find someone who will truly love me, then why did You let me hope in the first
place?" Nabasag ang kanyang boses. "Matatanggap ko naman po ang hindi mahalin kaysa ang
masaktan nang ganito. If I'm not meant to be loved then please, I beg You, don't make me fall in love.
Dahil hindi ko na po kakayanin ang masaktan uli."
"DIANA!" Akmang susundan ni Alexis ang dalaga nang bigla na lang siyang tawagin ng ama nito. Sa
pagharap niya sa huli ay ang kamao nito ang kaagad na sumalubong sa kanya. Sa lakas ng pagsuntok
nito ay naramdaman niya ang pagdurugo ng mga labi kung saan tumama ang kamao nito.
"How dare you say those words, you jerk!" Tumaas-baba ang dibdib ni tito Lino sa galit. Nang akmang
susugurin nitong muli si Alexis ay pinigilan na ito sa braso ni tita Martha. "How dare you ruin my
daughter's wedding? I treated you as my own son! Ikaw ang best friend niya, Alexis! Paano mo
nagawa ang kalokohang ito?"
"Because you are right. I'm a jerk, tito." Sa kabila ng natamong suntok ay sumilay pa rin ang
mapaklang ngiti sa mga labi ni Alexis. Lumapit siya sa matandang lalaki at iniharap pa rito ang
kanyang mukha. "Punch me more, tito. I deserve more. And I will deserve a lot more as the days go by.
Dahil wala na po akong planong tumigil. Dahil mahal ko si Diana. Noon pa. Pero saka ko lang
nagawang aminin 'yon sa sarili ko nang mahulog na siya sa iba. Kasi tanga po ako. Kasi duwag po
ako."
Humarap si Alexis sa mga bisita na nandoon pa rin sa simbahan at nakatutok ang atensiyon sa kanila
ng mga magulang ni Diana na para bang nanonood ang mga ito ng isang pelikula. "Siguro, 'yong iba
sa inyo nagtataka kung sino ang gagong bigla na lang sumulpot rito. I'm Alexis Serrano. I'm a bastard.
I'm the son of a man who can't even give his name to me. Because I'm a disgrace. Hindi ko naman
masisisi 'yong tatay ko. Tama naman siya. Sa ginagawa ko ngayon, pinatunayan ko lang sa kanya na
isa nga akong malaking kahihiyan."
Natawa si Alexis. Pero walang buhay iyon kahit sa pandinig niya. Ngayon niya lang nagawang buksan
ang usaping iyon sa ibang tao. Kahit kay Diana ay hindi niya sinasabi iyon. Sapat nang nalaman nito
ang kwento ng buhay niya. Pero ang pananaw niya sa sarili, hindi niya na kayang ibahagi pa rito.
Sapat nang alam nitong basag ang pagkatao niya. Pero kung gaano iyon kabasag ay isa nang bahagi
ng lihim niya para isalba ang natitirang dignidad.
"And your daughter, tito Lino, is a perfection." Muli siyang humarap sa matandang lalaki. "Mula't sapul,
ako 'yong panggabing langit na nakikiamot lang sa liwanag niya. Masyado siyang mataas kaya siguro
natakot akong pangarapin siya. Kasi baka hindi na ako huminto. Natakot akong aminin 'yong
nararamdaman ko kaya pinilit kong makuntento sa pagiging sira-ulong best friend. Ako mismo ang
naglagay ng boundaries sa pagitan namin kasi ayoko nang masaktan kung paanong ayoko ring
masaktan siya at mawala siya sa akin. Ayokong umasa na para siya sa akin at para ako sa kanya. Ang
labo. Kasi ako lang naman 'to." Tinuro niya pa ang sarili. "I was afraid to dream about her.
"Nang dumating si Jake at makita kong masaya si Diana, pinilit kong manahimik. I kept all the pain
here," itinuro ni Alexis ang kaliwang dibdib. "I died countless times seeing her sweet moments with him.
Kasi dapat ako 'yon, eh. Kasi minahal naman ako ni Diana noon. Hindi lang ako sumugal. Pero hindi
ako lumaban kay Jake." Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha. "Because I thought he
deserved her perfection. Mula siya sa matinong pamilya, may maipagmamalaki. Hindi gaya ko. But this
morning, I didn't know what got into me. Para akong mababaliw sa kaisipang hahayaan ko lang 'yong
bituin ko na maikasal sa iba... sa isang lalaking natuklasan kong gago rin pala."
Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ni Alexis ay lumuhod siya sa harap ng ibang tao... sa
harap ng mga magulang ni Diana. Napayuko siya. "Patawarin n'yo po ako. You never knew me as a
selfish man, tito Lino and tita Martha. Alam n'yong handa kong ibigay ang lahat para sa prinsesa n'yo.
Kahit kayo, wala kayong hiniling na hindi ko tinupad. But this time, if you will ask me to stay away, for
the first time I would have to say no. I may be a lot of awful things but I love your princess. So much.
And I will pursue her. Araw-araw, maghihintay ako hanggang sa bumukas uli ang puso niya sa isang
tulad ko."
Narinig ni Alexis ang pagsinghap ng mga tao sa paligid pero hindi niya iyon alintana. Itinaya niya na
ang lahat. Wala na siyang itinira para sa sarili. "Dahil sa katatapos lang na komplikasyon, alam kong
isang malaking kahangalan ang ginagawa kong pangungumpisal." Mariin niyang ipinikit ang nag-iinit
nang mga mata. "Patawarin n'yo po ako."
Ilang mahabang sandali ang lumipas nang wala siyang naririnig maliban sa malakas na pagtibok ng
kanyang puso. Mayamaya, may naramdaman siyang humawak sa kanyang ulo. Sa pag-angat niya ng
mukha, sumalubong sa kanya ang seryoso pa ring anyo ni tito Lino pero hindi na kasing dilim gaya
kanina ang mukha nito. Ginulo nito ang kanyang buhok gaya nang nakagawian nito tuwing nagkikita
sila.
"Get up. We're going to be busy. Kailangan pa nating hanapin ang prinsesa ko. Pagkatapos niyon,
kailangan ko ng back-up. I have another face to punch."
Sa pagtayo niya ay hinaplos ni tita Martha ang kanyang mukha. "Pagkatapos kong makita si Diana
kanina, I've been waiting for you to show up and to say those words, son."
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil hinila na siya ni tito Lino palabas ng simbahan kasabay ng pag-
announce nitong tapos na ang pelikula at kailangan nang isara ang pulang tabing. Hindi man natuloy
ang kasal ay ipinadederetso pa rin nito sa hotel ang mga bisita na hindi niya malaman kung bakit
namumugto ang mga mata nang mga sandaling iyon.
Hindi niya masasabing napatawad na siya ng mga magulang ni Diana. Alam niyang hindi iyon ganoon
kadali. Lalong hindi niya masasabing tapos na ang mga problema dahil lang hindi natuloy ang kasal.
Dahil alam niya, nagsisimula pa lang ang buhos niyon. May bahagi sa kanya ang gustong magdiwang
sa kaalamang hindi naman pala kasing perpekto si Jake gaya ng inaakala niya. Pero hindi niya
magawa.
Dahil alam niyang sa mga oras na iyon ay nasasaktan ang kanyang bituin.
This time, I'm going to stay by your side not as a best friend, Diana. Dahil alam kong sa nangyari ay
nawala na ang karapatan kong maging kaibigan mo. I'm going to stay as the man who loves you. You
can push me away but I will never go anymore. Dahil pagod na akong lumayo sa 'yo.