Chapter 2
Chapter 2
I'M NOT wearing panties today. –Margie
Nagsalubong ang mga kilay ni Alexis sa nabasang text message. Walang ibang nakalagay na numero
sa phonebook niya maliban sa numero ni Manang Renata para ma-contact siya nito sakali mang
magkaroon ng emergency sa kanilang bahay. Pinagbawalan niya itong ipaalam sa ina ang kanyang
contact number dahil parati siyang tinatawagan ng ina para lang manermon bago ito nagpupunta sa
pinakapaboritong lugar nito sa buong mundo: ang casino.
Noong bata pa si Alexis, ang paglilibot sa iba't ibang bansa ang nakahiligan ng kanyang ina. Buhay-
dalaga ito noon pa man kaya mag-isa lang itong naglalakbay sa kung saan-saan. Nang tumuntong siya
sa kolehiyo, nagpasya ang ina na manatili na lang sa bansa. Ikinatuwa niya iyon noong una pero
natuto namang magsugal ang ina hanggang sa nalulong na ito roon. Kahit malaki ang sustentong
ipinadadala ng senador, may pagkakataon pa ring nagkukulang iyon dahil sa laki ng naipapatalo sa
sugal ng kanyang ina.
Muling nag-vibrate ang kanyang cellphone. Iyon pa rin ang ipinadalang text message sa kanya ng
nagpakilalang Margie.
Double send pa talaga. How can a woman be proud about not wearing panties? Hindi ba siya
nilalamig?
He intended to keep his number private. Pero mukhang may hindi sinasadyang napagbigyan siya ng
kanyang numero. Tuwing nalalasing kasi siya, may pagkakataong nawawalan siya ng kontrol sa sarili.
At mukhang sinamantala iyon ng Margie na ito na sa malas ay marahil nakasama niya noong lasing
siya. Hindi niya alam kung sino si Margie. Ilang babae na rin ang nakasama niya sa nakalipas na mga
araw simula nang lumipat siya sa Saint Gabriel Academy. Ang mga babaeng iyon na ang kusang nag-
aalok ng sarili sa kanya. At kahit kailan ay hindi niya nakaugaliang tumanggi sa mga mumunting
"biyaya".
Mahilig siya sa babae. Iyon ang isa pang namana niya mula sa senador. Pero kahit kailan, hindi niya
nakahiligan ang pakikipagrelasyon. Nagka-trauma na siya sa nangyari sa kanyang mga magulang.
Bukod pa roon, ayaw niya ng komplikasyon. At sinisiguro niya na nauunawaan iyon ng sinomang
babae na nakakasama niya.
Nababagot na nag-type si Alexis sa kanyang cell phone. Gud 4 u, simpleng reply niya.
"Are we disturbing you, Mr. Serrano?"
Nag-angat si Alexis ng ulo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng kanyang professor. Noon
niya lang na-realize na nasa kanya na pala ang atensiyon ng buong klase. Ngumiti siya sa mga ito.
"No, Sir. Not at all. Please proceed."
Gumanti ng ngiti ang matandang lalaking professor bago ito lumapit sa kanya at inilahad ang isang
palad. "Hand me your phone." Property © NôvelDrama.Org.
Marahas na napabuga si Alexis ng hangin. "I'm sorry, okay? Sinilip ko lang naman ang laman ng
message. I thought it was an emergency." Pangangatwiran niya. Ang buong akala niya talaga ay kay
Manang Renata nanggaling ang text message.
"I said hand me your phone." Sa pagkakataong iyon ay mas madiin ang boses na sinabi ng professor.
Napailing si Alexis bago tumayo at ibinigay ang kanyang cell phone. Kung sino man ang Margie iyon,
lagot iyon sa kanya sa oras na makita niya ito.
Malakas na binasa ng professor ang palitan nila ng mensahe ni Margie. Umugong ang malakas na
tawanan at hiyawan sa loob ng klase.
Oh, heck. Sino ka man, Margie, magtago ka na. Because if I see you, I swear I'm gonna wring your
neck!
Mayamaya, ibinalik ng professor kay Alexis ang kanyang cell phone. "Hindi ko 'yan kukumpiskahin
ngayong araw. I'm feeling a little good today, Mr. Serrano. You should thank your mother. Nag-donate
siya ng mga bagong libro sa library. Besides, may panibagong text si Margie. Basahin mo na muna. At
habang binabasa mo 'yon, lumabas ka na ng klase. Bukas kapag nakita pa kitang hawak ang cell
phone mo, tatalsik na 'yan sa labas. Nagkakaintindihan ba tayo?" Walang nagawang tumango si Alexis
pagkakuha ng kanyang cell phone. "Now, get out."
Isinukbit na ni Alexis ang kanyang bag at lumabas na ng classroom. Okay na rin siguro iyon.
Mayamaya pa ang susunod na klase niya. May panahon pa siya para makatulog dahil may hangover
pa siya mula sa pag-inom noong nakaraang gabi sa bar.
Hindi niya alam kung dapat niyang pasalamatan ang pagiging mapagbigay ng ina sa Saint Gabriel
Academy. Alam niya namang iisa lang ang motibo nito sa paggawa niyon: ang magpalakas sa mga
professor para sa kanya. Ilang beses nito iyong ginawa noong nag-aaral pa siya sa sekondarya.
Binayaran nito ang ilan sa mga naging guro niya para maka-graduate siya. Effective iyon noon pero
pagdating niya sa kolehiyo, sadyang napuno na ang mga professor sa kanya.
Anumang gawin ng ina noon ay na-kick out pa rin siya. Pero ngayon ay mukhang doble na ang
pagsisikap ng ina para lang sa pagkakataong iyon ay makapagtapos na siya. Napangisi si Alexis sa
naisip. At least, kahit paano ay nagagawa niyang ma-distract kahit sandali ang kanyang ina mula sa
paglalaro ng poker.
Papunta sana si Alexis ng library para doon matulog nang harangin siya ng isang babae. Pamilyar ito
sa kanya pero hindi niya tanda ang pangalan nito. Ang alam niya lang ay ito ang nakasama niya noong
araw na may muntik nang mangyari sa kanila sa open field kung saan sila nahuli ni Diana. Ito rin ang
kasama niya sa bar noong nagdaang gabi.
Diana. Sa lahat ng mga nakilala ni Alexis na babae, ang pangalan lang na iyon ang hindi nawala sa
kinakalawang na isip niya. Madalas niyang marinig ang mga kaklaseng lalaki na pinag-uusapan ang
dalaga. Noong unang araw na pumasok siya sa Saint Gabriel Academy, ang dalaga agad ang
nakakuha ng interes niya. Nasalubong niya ito sa corridor pero parang may malalim na iniisip na ni
hindi man lang siya nito tinapunan ng sulyap. Simula niyon, hindi na nawala pa sa isip niya ang
napakaamong mukha ng dalaga.
Nang sumunod na araw, saka niya lang nalaman ang pangalan nito. Hindi iyon mahirap alamin lalo na
at kilala ang dalaga sa buong campus. Walang mag-aaral, lalo na sa kalalakihan, ang hindi
nakakakilala rito. At hindi naman kataka-taka iyon lalo na at si Diana ang nanalong Miss Saint Gabriel
na sa tingin niya ay nararapat lang.
Diana Ferrel was perfection. Mula sa kulay-makopang tuwid na tuwid na buhok nito, sa malaanghel na
mukha, sa ginintuang mga mata, sa mga kilay na para bang iginuhit ng isang magaling na pintor, sa
elegante at matangos nitong ilong hanggang sa mga maninipis nitong kulay-rosas na mga labi.
Malakrema ang kutis ng dalaga na higit na dumagdag sa taglay nitong halina.
Ang buong akala ni Alexis ay wala na siyang kahihiyan sa katawan pero nang ang dalaga mismo ang
siyang nakahuli sa kanila ng kasama niyang babae sa open field, sa kauna-unahang pagkakataon ay
tinablan siya ng kahihiyan na sinubukan niyang pagtakpan sa pamamagitan ng pang-aasar sa dalaga.
"Alexis, I've been looking for you," sinabi ng babae na humarang sa kanya pagkatapos ay niyakap siya.
Ilang sandaling natigilan si Alexis. Ano nga bang pangalan nito? Nang sa wakas ay makaalala,
bahagyang inilayo niya ang babae sa kanya. "Not now, Mary Ann. Pagod ako."
Umawang ang bibig ng babae. "Sinong Mary Ann? I'm Margie, Alexis!"
Kung ganoon ay ito pala ang dahilan kung bakit siya pinalabas ng klase. Agad na naningkit ang
kanyang mga mata. "Do you know that your text message was the reason why I had to leave the
class?"
Nang makabawi ay mapang-akit na ngumiti na si Margie. "So you mean nagmamadali kang umalis ng
klase nang mabasa mo ang text ko? Why? Are you that excited?"
Napailing si Alexis. "On the contrary, it was my prof who got excited. He read your message aloud and
told me to get out. Ayoko ng complication. Kaya sa susunod, 'wag ka nang magkakamaling mag-text
uli."
Hindi nakaligtas sa matalas niyang mga mata ang pamumula ng mukha ng babae. Muli siyang
napailing. Akmang tatalikuran niya na lang ito nang pigilan siya nito sa braso at bigla na lang siyang
niyakap uli. Saka niya nakita si Diana.
Automatic na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita rin siya nito. Kinawayan niya ang
dalaga. "Hello, Diana."
Matalim na tiningnan lang siya ni Diana bago ito nagmartsa papasok sa library. Hindi niya alam kung
paano nangyari pero pakiramdam niya ay nabuo na ang araw niya nang makita ang dalaga.
Nang hindi niya na matanaw si Diana ay humiwalay na si Alexis sa babaeng nakayakap sa kanya.
"Hindi na uubra sa akin ang mga ganito. Uulitin ko. 'Wag ka nang magte-text. Save me the hassle of
changing my SIM card just because of you."
Mabilis na hinawakan niya ang palapulsuhan ng babae nang akmang sasampalin siya nito. Nagdilim
ang mukha niya. "Don't you ever try, woman. Hindi mo pa ako nakikitang magalit."
Para namang natakot na napaatras ang babae.
Napangiti si Alexis. "That's better. Goodbye, Melanie. Let's not see each other again, all right?"
Tuluyan niya nang tinalikuran ang babae. Hahakbang na sana siya palayo nang batuhin siya nito ng
sandals sa kanyang likod. Naniningkit uli ang mga matang hinarap niya ito.
Sumalubong sa kanya ang pulang-pula sa galit na mukha ng babae. "It's Margie!" sigaw pa nito. "Go to
hell, jerk!"
Oo nga pala, Margie nga pala. Napakamot si Alexis sa kanyang batok. Pinakatitigan niya ang dalaga
bago naiiling na dinampot niya ang sandals nito at ibinalik dito. Nagsisimula na silang makakuha ng
atensiyon mula sa mga nagdaraang estudyante. Hinubad niya ang kanyang jacket nang maalala ang
text message nito.
Moderno siyang lalaki. Pero may mga pagkakataong hindi niya nagugustuhan ang sobra-sobrang
pagiging moderna ng mga babae. Sa kabila ng kanyang iritasyon ay itinali niya ang kanyang jacket sa
baywang ni Margie pagkatapos ay bumulong sa tainga nito. "Baka lamigin ka. So... what did you say
again?"
"G-go to h-hell."
"Yeah, sure." Muling ngumiti si Alexis. "See you there, sweetheart. But please wear your panties before
that, all right?"
Lumawak ang kanyang pagkakangiti nang mapasinghap ang babae. Tuluyan niya na itong iniwan.
KUMUNOT ang noo ni Diana nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na itim na
sports car sa madilim na bahagi ng kalsada kung saan dumaan ang sasakyang kinalululanan niya.
Pagkagaling sa campus, dumeretso si Diana sa sementeryo kung saan nakalibing si Yves na death
anniversary nang araw na iyon kaya ginabi na sila ng bodyguards niya sa pag-uwi. Muli niyang nilingon
ang nadaanang kotse. Hindi siya maaring magkamali. Kay Alexis iyon. Ilang beses niya nang nakita
ang binata na sakay niyon.
Sa nakalipas na mga araw, pinatunayan agad ni Alexis na dapat itong iwasan ng gaya niya. Naging
popular ito sa buong Saint Gabriel Academy dahil sa bad boy image nito. Babaero, basagulero at
barumbado, iyon ang usap-usapan ng karamihan tungkol sa lalaki. Kahit sa faculty, hindi rin
naiiwasang mapag-usapan si Alexis. Nang minsang magpunta si Diana roon para magpasa ng report
sa kanyang professor, hindi sinasadyang narinig niya ang tungkol sa palitan daw ng text messages ni
Alexis at ng isang babae na binasa raw ng professor nito sa buong klase.
Naramdaman niya uli ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi dahil sa narinig na nilalaman ng sikat na text
message. Bukod pa roon ay may mga naging kaaway ang binata sa loob o labas man ng Academy
dahil sa pang-aagaw daw nito ng girlfriend ng iba.
Dahil sa kung ano-anong kumakalat na negatibong balita mula sa katabing building tungkol kay Alexis
kung saan siya pumapasok ay binawi na ni Laurice ang sinabi nitong bagay sila ni Alexis para sa isa't
isa. At sa kung anong biro ng tadhana ay hindi niya nagustuhan ang sinabing iyon ng kaibigan.
Ilang malalalim na hininga ang pinakawalan ni Diana bago niya ipinabalik sa kanyang driver-cum-
bodyguard na si Mang Nick ang kanilang sasakyan patungo sa kung saan niya nakitang nakaparada
ang kotse ni Alexis. Nagtataka man sina Mang Nick at ang katabi nito sa passenger seat na si Mang
Ador na isa ring bodyguard ay nagsawalang-kibo na lang ang mga ito.
Bumaba si Diana ng sasakyan at pinuntahan si Alexis. Nakabukas ang bintana ng kotse nito sa gawi
ng driver's seat kaya agad niya itong nakita. Nakasubsob ang ulo ng lalaki sa manibela at base sa
magaan na paghinga ay nangangahulugang nakatulog na ito.
How can you just sleep here?
Mula sa kinatatayuan ni Diana, langhap na langhap niya ang pinaghalong swabeng pabango ng binata
pati na ang amoy ng alak.
Bakit mo ba ginagawa ito, Alexis? Ano ba'ng problema mo?
Bumuntong-hininga si Diana bago nagtungo sa passenger seat. Hindi kaya ng konsensiya niyang
basta na lang iwan ang binata roon.
Konsensiya nga lang ba, Diana?
Naipilig niya ang ulo nang mahirapang makahanap ng sagot sa sariling tanong. Hindi naka-lock ang
pinto kaya madali siyang nakapasok doon. Napailing siya sa pagiging careless ng binata.
Maghahanap na sana siya ng identification card doon para malaman kung saan dapat ihatid ang binata
nang tumunog ang cell phone nito na nakapatong sa dashboard. Manang Renata lang ang pangalang
nakarehistro doon. Nag-aalinlangan man ay sinagot niya pa rin iyon.
"H-hello-"
"Kung sino ka man na may mabuting kalooban, hinihiling ko sa 'yo na ihatid ang alaga ko." Agad na
sinabi ni Manang Renata sa kabilang linya. Sumunod na sinabi nito ang address ng bahay ng binata.
"Umaasa akong hindi mo iuuwi sa inyo si Alexis ko at hindi mo pagsasamantalahan ang kanyang
kalasingan gaya ng ginawa ng iba. Maghunus-dili ka, ineng. Hindi natutulog ang Diyos. Maraming
salamat," dagdag pa nito bago nawala na sa kabilang linya.
Ilang sandaling natigilan si Diana bago sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa halip na mainsulto,
nakaramdam pa siya ng pagkaaliw sa mga sinabi ni Manang Renata. Mahahalata ang pinaghalong
pag-aalala nito para kay Alexis at hindi direktang babala sa boses nito na walang dudang para sa
kanya. Nangingiti pa ring lumabas siya ng kotse at lumapit sa naghihintay na mga bodyguards.
"Uuwi na po ba tayo, ma'am?" agad na salubong sa kanya ni Mang Nick.
"Opo. Pero pagkatapos pa ng misyon natin para sa gabing ito."
Malakas ang pakiramdam ni Diana na sa gabing iyon ay malalaman niya na ang dahilan sa likod ng
mga ikinikilos ni Alexis Serrano.