Chapter 20
Chapter 20
IMPIT na napahagulgol si Miranda habang nakatingin sa kanyang anak mula sa maliit na salamin ng
pinto ng hospital room nito. Si Diana na nakilala niya noon mula sa mga kwento ni Renata ang nanatili
roon na ni minsan ay hindi umalis sa tabi ng kanyang anak. Ito ang gumagawa ng mga bagay na hindi
niya magawa. Hanggang sa mga sandaling iyon, pinatutunayan niya sa mundo kung gaano siya
kawalang kwentang ina.
Gusto niya ring manatili sa tabi ng anak. Gusto niya ring hawakan ang kamay nito gaya ng ginagawa ni
Diana. Gusto niya rin itong kausapin. Pero kahit ang paglapit kay Alexis ay kinatatakutan niyang gawin.
Nakasubaybay lang siya sa anak sa nakalipas na mga taon, tahimik na nakikibalita. Hindi siya
nagparamdam rito. Dahil mula noon hanggang ngayon, naduduwag pa rin siyang harapin ito. Dahil
naduduwag siyang makita ang panunumbat, sakit, at galit sa mga mata nito.
She had always thought that Alexis would lead a better life without her. May narating ang kanyang Published by Nôv'elD/rama.Org.
anak. May nagawa ito para sa sarili nito. At sa puso niya ay labis-labis ang nadarama niyang
pagmamalaki para rito.
Hinawakan niya ang salamin sa pinto.
Anak... Dalawang araw nang unconscious si Alexis. Dalawang araw na rin siyang halos nagka-
camping sa labas ng kwarto nito. Ilang beses na siyang inanyayahan ni Diana na pumasok sa loob
pero hindi niya kaya. Hindi niya kayang tingnan sa malapitan ang bunga ng kalupitan niya sa sariling
anak.
Nang hindi na makatiis ay tumalikod siya at nagmamadaling nanakbo papunta sa ikalawang lugar sa
ospital kung saan siya madalas na nananatili. Iyon ay sa kapilya roon. Nadatnan niya doon si
Alexander na nakaluhod at taimtim na nagdarasal.
Pumatak ang mga luha ni Miranda. Mula sa bukana ng kapilya ay paluhod siyang naglakad papunta sa
altar. Diyos ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala ang anak ko nang hindi kami nakakapag-usap man
lang bilang mag-ina.
Kasalukuyan nang nakakulong ang may kagagawan ng nangyari sa kanyang anak. Hindi tumigil si
Alexander hangga't hindi iyon nahuhuli. Ginamit nito ang koneksiyon nito para mapabilis ang pag-usad
ng kaso. Dalawang oras lang matapos matagpuan si Alexis ng mga pulis at isugod sa ospital ay
natagpuan na ang kriminal.
Hindi niya pa rin makuhang mapaniwalaan na si Gerard, ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni
Alexander ang mismong gagawa ng ganoong bagay sa kanyang anak. Lahat ng nangyari ay
nasaksihan nila sa pamamagitan ng CCTV footage.
Ang ama ni Gerard na si Rodolfo ay isang OFW sa isa sa mga bansa sa Asya. Nahulian ito ng droga
doon na dahilan kung bakit napabilang ito sa listahan ng mga taong bibitayin sa naturang bansa na
nagkataong mahigpit ang patakaran pagdating sa droga. Humingi ng tulong ang pamilya ni Gerard sa
pamahalaan at si Alexander ang nakatalagang tumulong sa mga ganoong uri ng sitwasyon. Nangako
ang huli na iaapela ang kaso pero walang nangyari. Kahit pa iginigiit ni Gerard at ng ama nito na
inosente ito sa ibinibintang rito at na-frame up lang ito ay walang nagawa si Alexander dahil sa matigas
na patakaran sa ibang bansa.
Sa huli ay natuloy pa rin ang pagpataw ng parusa kay Rodolfo. Namatay pa rin ito. Gayunman ay
tinulungan at tinutukan ni Alexander si Gerard, ang natitira na lang na kaanak ni Rodolfo dahil matagal
nang yumao ang asawa nito. Sinuportahan nito ang pag-aaral ni Gerard sa PMA. Nang magpresinta si
Gerard na ibalik ang tulong ni Alexander sa pamamagitan ng pagboboluntaryong maging isa sa mga
bodyguard nito, agad iyong tinanggap ni Alexander. Alam niya iyon dahil ilang beses ring naging laman
ng balita ang bagay na iyon.
Lingid sa kaalaman nila ay nagtanim pala ng poot si Gerard at nagplano ng paghihiganti laban mismo
kay Alexander. Nasa ibang bansa ang ibang mga anak ng huli kaya si Alexis ang naging sentro ng
paghihiganti nito na sinadya nitong ipatupad noon mismong araw na ang akala niya ay makakamit niya
na ang katuparan ng mga pangarap niya para sa kanila ng anak. Pero hindi iyon nangyari. Dahil
natuklasan ni Gerard ang motibo ni Alexander sa gaganapin sanang press conference. Naghintay ito
ng tamang pagkakataon para isagawa ang plano.
You could have just killed me instead, Gerard. Bakit ang anak ko pa?
"Kasalanan mo kung bakit naulila ako! Nasa sa 'yo ang lahat ng kapangyarihang tumulong pero hindi
mo ginamit nang lubusan! Hinayaan mong mamatay ang isang inosente! Wala kang awa, Vice!
Pinaasa mo lang kami! Pinaasa mo lang ang aking ama! Now, you know what it's like losing someone
who matters to you, Vice. Painful, isn't it? How I wish someone else could also do this to the President.
Para sama-sama n'yong maramdaman ang sakit. Sayang. Sayang at hindi ako nagkaroon ng access
sa Presidente." Naalala ni Miranda na nanlilisik ang mga matang sinabi pa ni Gerard nang magkasama
nila itong puntahan ni Alexander sa bilangguan. Ni walang bakas kahit kaunting pagsisisi sa anyo nito.
Muling napahagulgol si Miranda kasabay ng mariing pagpikit. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay
naglakas-loob siyang kausapin ang Diyos. Wala akong karapatang hingin ang awa Ninyo matapos ng
mga nagawa ko. Pero nakikiusap po ako hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko. Huwag N'yo po
siyang kunin sa amin nang hindi niya nararanasang magkaroon ng ama't ina. Nang hindi niya
nararanasang magkaroon ng pamilya. Nang hindi niya nararanasang maging masaya hindi lang sa
piling ni Diana. O kaya, kung kukunin N'yo po siya, isama N'yo na ako, parang awa N'yo na. Para kahit
ngayon lang, hindi makaramdam ang anak ko ng pag-iisa.
Napadilat siya nang maramdaman ang pag-akbay sa kanya ng kung sino. Bumungad sa kanya ang
mukha ni Alexander na gaya niya ay nakaluhod na rin sa altar nang mga sandaling iyon. Napasandal
siya sa dibdib nito. "Ang sama-sama kong ina, Alex. Ni hindi ko alam kung may karapatan pa akong
pumasok sa kapilyang ito at lumapit sa Diyos."
"Miranda, ano pa ako?" Basag ang boses na sagot ni Alexander. "I was even surprised that I didn't
burn coming here."
"Miranda!"
Agad siyang nag-angat ng mukha nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Umawang ang mga
labi niya kasabay ng patuloy na pagpatak ng mga luha niya. Dahan-dahan siyang napatayo sa kabila
ng panginginig ng mga binti niya. Sa bukana ng kapilya ay naroroon ang kanyang... mga magulang.
Ilang beses niyang tinawagan ang mga ito at pinakiusapang kung nakaya siyang tikisin ay huwag sana
iyong gawin sa apo ng mga ito, huwag higit lalo sa panahong iyon.
"Nay? Tay?" Hindi makapaniwalang usal ni Miranda. Nananakbong sinugod niya ng yakap ang mga
magulang. "Patawarin n'yo po ako... at tulungan nyo po ako, para n'yo ng awa. Makasalanan po ako.
Kayo itong simula't sapul ay malapit sa Diyos. Tulungan n'yo po akong makiusap sa Kanya." Pumiyok
ang kanyang boses. "Alexis can't die thinking he isn't loved. Because he is." Humigpit ang
pagkakayakap niya sa mga magulang para makiamot ng kaunting lakas. "He is. God... there are so
many things left unspoken. There are so many things left undone. At mababaliw ako kapag hindi man
lang narinig ng anak ko mula sa bibig ko ang salitang, 'mahal kita'."
Lumakas ang pag-iyak ni Miranda nang maramdaman ang pagganti ng yakap ng mga magulang.
Mahigit tatlong dekada niya nang hindi nararamdaman iyon. Mariing naipikit niya ang mga mata.
Alexis, nakikiusap ako sa 'yo, anak. Gumising ka na. Heto na kami. Mabubuo na tayo. Nandito hindi
ang bise-presidente, kundi ang mismong papa mo. Nandito hindi si Miranda kundi ang mismong mama
mo. Nandito rin ang lolo at lola mo. Anak, handa na sila... Handa na silang makilala ka.
KUMAKABOG ang dibdib ni Diana habang mabilis na nananakbo pabalik sa kwarto na inookupa ni
Alexis sa ospital. Nang dumating ang mga kaanak ng binata nang umagang iyon ay umalis na muna
siya roon para bigyan ng panahon ang mga ito na makasama ang huli.
Dumaan na muna siya sandali sa opisina niya sa flower shop. Pero hindi pa siya nakatatagal roon
nang tawagan siya ng ina ni Alexis at ipaalam na nagising na daw ang anak nito. Mabuti na lang at
naibigay niya rito ang contact number niya bago siya umalis.
Bumagal ang paghakbang ni Diana nang matanaw ang mga magulang ni Alexis sa labas ng hospital
room. Naroroon rin ang nakilala niyang lolo at lola nito. Lahat ay pare-parehong nakangiti sa kanya.
Sinalubong siya ng ina ng binata. Mahigpit na hinawakan nito ang kanyang mga kamay.
"Ikaw ang una niyang hinanap. He was shocked when he saw us and asked if he could see you first
before he could talk to us." Garalgal ang boses na sinabi ni Miranda. "At hindi ko naman siya masisisi.
He told us that ever since, you are his shock absorber. Maraming-maraming salamat sa pag-aalaga sa
anak ko sa nakaraang mga taon, Diana."
Napailing si Diana. "Nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang nag-alaga sa kanya. He was the one who
had been taking care of me from the very beginning. Napakabuting tao po ng anak ninyo, ma'am. At
masaya ako na sa paggising niya, kayo ang una niyang nakita." Bahagya siyang napangiti. "Gano'n
lang po siya. Bihira magpakita ng emosyon pero alam ko, masaya siya. Masaya siyang makita kayo."
Para bang hindi naniniwala kay Diana na naipilig ng ginang ang ulo nito. Bumitaw ito sa kanya. Ang
ama ni Alexis ay kusa namang ibinukas ang pinto ng kwarto para sa kanya. Puno ng pasasalamat na
ngumiti siya sa mga ito bago tumuloy sa kwarto.
Agad na bumungad sa kanya ang pinakagwapo na sigurong pasyente na nakita niya sa buong buhay
niya. Parang nababaliw na lumawak ang kanyang pagkakangiti kasabay ng pagpatak ng kanyang mga
luha. Nagkamalay na si Janna at nakalabas na ng ospital noong nakaraang araw. Hindi niya inakala na
ang susunod na pupuntahan niya sa lugar na iyon ay ang lalaking pinakamamahal niya mismo.
May mga galos ang binata at may benda sa noo nito. Pero hindi iyon nakabawas kahit kaunti sa
kagwapuhan nito. Habang-buhay niyang ipagpapasalamat na wala itong natamong malaking pinsala.
Because contrast to what Alexis was thinking, he was loved. Mahal na mahal ito ng Diyos kung
paanong mahal rin siya Nito at ang buong pamilya nito. Dahil hinayaan Nito na makita at makasama pa
nila ang binata.
"Parati niyang sinasabi sa 'yo na kaibigan ka niya. Na kaibigan ka lang niya. Pero kahit minsan ba
naiparamdam niya sa 'yo na hanggang doon ka lang para sa kanya?" Napailing si Lea. "Hindi niya
iiwan ang mga importanteng transactions para lang sa isang kaibigan. He would never fly straight to
Italy just to follow a friend for almost six months, just to be sure that his friend was somewhere safe
there.
"Hindi niya iiwan ang pinakamamahal niyang negosyo para sa isang kaibigan. Hindi ganoon si Alexis.
Hindi siya mag-e-exert ng laksa-laksang effort para matuto magluto ng mga espesyal na putahe para
lang sa isang kaibigan. I know that... because we're friends. At hindi niya kailanman ginawa sa akin
ang mga bagay na ginawa niya para sa 'yo. Sa palagay ko, ikaw ang nabubulagan, Diana. Ikaw ang
manhid. Alexis would literally stop everything just for you."
Napahikbi si Diana nang maalala ang mga sinabing iyon ni Lea noong nagdaang araw nang bisitahin
nito si Alexis. Ibang klase kung magmahal ang binata. Sobra-sobra na gusto niyang manliit dahil
nagawa niyang pagdudahan ito samantalang wala itong ibang ginawa kundi pahalagahan at ingatan
siya. Sana ay nalaman niya na sumunod pala si Alexis sa kanya sa Italy. Sana wala nang panahon na
nasayang kung doon pa lang mismo sa lugar na iyon ay nagkasundo na ang kanilang mga puso.
"I'm sorry I requested to see you." Nag-aalinlangang sinabi ng binata. "Hindi ko gustong abalahin ka. I
just... I don't know." Napailing ito. "Hindi kumpleto ang pakiramdam ko nang sa pagdilat ko ay nakita ko
si Vice, si Miranda, sina Lolo at Lola pero... wala ka. At-"
"Paano mo naisip na isa kang abala? You are really crazy at times, Axis." Basag ang boses na sagot ni
Diana. "Pero wala akong magawa. Parte na 'yan ng pagkatao mo. I fell in love with a crazy man and I
have to deal with that."
Bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Alexis. Ilang segundo itong gulat na nakatitig lang sa kanya
bago ito napu-frustrate na sumandal sa headboard ng kama kasabay ng pagpikit at paghawak sa ulo.
Nag-aalalang napabilis ang paghakbang niya palapit rito.
"Ang sabi ng doktor ay wala naman daw na-damage sa ulo ko. Damn him! Mukhang hindi niya
ginagawa nang maayos ang trabaho niya-"
"Alexis-"
"I just heard you say you love me, Diana. I must be imagining things-"
"I love you, Axis." Buong pagmamahal na sinabi ni Diana. Naupo siya sa kama ng binata at marahang
hinaplos ang mga pisngi nito. "Napatunayan ko 'yon nang magkita kami ni Jake. Patawarin mo ako.
Bumitaw ako agad sa 'yo. Dapat pala inunawa pa kita. Dapat pala hinabaan ko pa 'yong pasensiya ko.
Dapat pala hinintay pa kita. Pero naging desperado kasi ako. I desperately wanted to be happy with
someone else. I desperately wanted to build something without you. Kasi nang may ipakilala kang Lea,
gumuho na 'yong pag-asa ko na pwede pa tayong dalawa."
Dumilat si Alexis at hindi pa rin makapaniwalang tinitigan siya. Inabot nito ang mga kamay niyang
nakahawak sa mga pisngi nito. "I was a royal pain in the ass. Niligawan ko si Lea dahil desperado rin
akong mapatunayan sa sarili ko na kaya ko ring makabuo ng relasyon kasama ang iba. Nang hindi
lang ikaw. Paulit-ulit kong iginigiit sa sarili ko na hindi tayo talo. But in the end, I ended up breaking my
own rule. I ended up falling in love with my best friend.
"Kilala mo ang mga pinagmanahan ko. Alam mo na may tendency talaga akong maging kasing gago ni
Vice." Marahas na napabuga ito ng hininga. "Pero Diana, hindi ko na kayang may nakaharang pa sa
ating dalawa. I almost died upon thinking that you and Jake are back to each other's arms. Araw-araw,
sisikapin ko na maging tamang lalaki para sa 'yo. Dahil ayoko nang mangyari pa 'yong dati. Ayoko
nang makalimutan mo uli ako kapag-"
"Hindi kita kinalimutan. Hindi ko magagawa 'yon." Napailing si Diana. "Natakot lang ako na baka kapag
nanatili ako sa tabi mo, magbago ang isip ko. I might stop the whole thing with Jake and I might be
waiting for you again. Natakot na akong maghintay na lang habang-buhay." Muling tumulo ang mga
luha niya. "Thank you for saving me that fateful day, Axis. Maraming salamat dahil hanggang ngayon,
nananatili kang tagapagligtas ko.
"Posibleng ginawa mo 'yon para sa sarili mo pero malaki ang naitulong niyon sa akin. Niligtas mo ako
mula sa pagsisisi. You saved me from pretending, from a make-believe story that I might be forced to
accept and believe in the following years of my life. Maraming salamat sa pagmamahal mo, Axis.
Maraming salamat dahil hindi ka tumigil sa pagkapit kahit pa nauna na akong bumitaw."
"At hinding-hindi ako bibitaw. Diana, ipinapangako ko na aayusin ko ang sarili ko-"
"Sshh." Siniil niya ng halik sa mga labi si Alexis. Kasabay niyon ay naalala niya ang mga magulang
nito, ang mga kaanak nito na alam niyang naghihintay na rin na makausap at makasama ang binata.
Naalala niya rin ang mga pinag-usapan nila bago siya umalis ng ospital kanina lang.
Ipinagkatiwala ng mga magulang ni Alexis sa kanya ang totoong kwento sa likod ng pagkatao ng mga
ito. Ibinukas ng mga ito sa kanya ang aklat ng buhay ng mga ito. Nang marinig iyon ay kusa ring
nalusaw ang galit sa puso niya dahil sa mga ginawa ng mga ito kay Alexis. Ang natira na lang sa kanya
ay... pang-unawa.
Nakagawa na ng plano ang mga magulang ni Alexis. Ang kailangan na lang ay ang pagsang-ayon ng
binata. At hindi siya hahadlang sa mga planong iyon. Sa pagkakataong iyon, siya naman ang
magpapalaya sa binata at mananalangin na isang araw ay muli itong magbabalik sa kanya. Sa
pagkakataong iyon, muli siyang maghihintay. Muli siyang aasa.
Nang bumitiw si Diana kay Alexis ay buong pagmamahal na idinikit niya ang noo sa noo nito. "I was so
stupid and so arrogant to think that I'm enough to heal you, Axis. Pero hindi. At kahit kailan, hindi ako
magiging sapat para mapagaling ka. Iyong mga sugat dyan sa puso mo, parang nilagyan lang ng
bandage sa pagdating ko. At ang pagkakamali ko, nilagyan ko ng bandage pero hindi ko ginamot. Your
parents are the real ones that can cure you. It was your wounds that made you afraid to acknowledge
your feelings for me. 'Yong mga sugat mo ang humadlang sa ating dalawa noon. Na-realize ko 'yon
nang makausap ko ang mga magulang mo."
"Diana-"
"Maraming gustong sabihin at ipaliwanag sa 'yo ang mga magulang mo. Pakinggan mo sila, Axis. It's
time that you and your parents have a real conversation. Plano nilang umalis ng bansa kasama ka-"
"Pero-"
"Magpagaling ka... nang kasama sila." Ani Diana nang hindi binibigyan ng panahong tumutol ang
binata. "Kapag magaling na 'to," Itinuro niya ang kaliwang dibdib ni Alexis. "At gusto mo pa ring
bumalik sa 'kin, you will always find me here... waiting for you. Sa pagbabalik mo at ako pa rin ang
mahal mo, hinding-hindi na ako bibitaw. Be the man that you've always wanted to be, Alexis." Mahigpit
na niyakap niya ang binata.
Nagsikip ang dibdib ni Diana. Hindi mahinto sa pagtulo ang mga luha niya nang gumanti ng yakap ang
binata. Hangga't maari ay ayaw niyang pakawalan si Alexis. Kagigising pa lang nito. Marami pa siyang
inaasam na gawin nila. Pero kailangan niya na muna itong hayaang makaalis para tuluyang magamot
ang puso nito. Para sa pagbabalik nito, wala nang bakas ng sugatang Alexis. Mabubuo na ito. At noon
pa man, pangarap niya na iyon para sa binata.
"I honestly don't know what you're talking about, Diana." Bulong ni Alexis. "Pero minahal mo ako noong
durog na durog ako. Kaya para sa 'yo, pipilitin kong mabuo. Hindi ko alam kung paano at hindi ko alam
kung bakit nasama sina Vice sa usapan. But I will figure it out. For you. It will always be for you-"
"Do it for yourself, Axis. Sa pagkakataong ito, sarili mo naman ang unahin mo, ang mahalin mo."
"Mahihintay mo ba ako?"
Naghihirap man ang loob ay sunod-sunod na napatango si Diana. "Araw-araw." Bahagya siyang
lumayo kay Alexis. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Gusto niyang maduwag at mag-back out sa
pinaplano pero sa tuwing sumasagi sa isip niya ang mga panahong ipinagtitirik nito ng kandila ang
sarili nito tuwing birthday nito ay lalo siyang nasasaktan. "Be happy, Axis, and make me proud."
Soar high, my love.