In A Town We Both Call Home

Chapter 22



Chapter 22

MAINGAT na lumapit si Lea sa nakadapang anak habang natutulog. Nasa tabi nito ang mga lapis at

sketch pads nito. Mukhang nakatulugan na nito ang pag-drawing. Naupo siya sa kama nito at kinuha

ang sketch pad na pinakamalapit rito. Ililigpit niya na sana iyon nang mapatitig siya sa papel. Natigilan

siya nang makitang ang mukha niya ang nakaguhit roon.

Janna can draw really well. Buhay na buhay ang ngiti niya doon. Sa ibaba niyon ay may nakasulat na ‘I

miss you, Mommy’.

Namasa ang mga mata ni Lea. Bakit ba paulit-ulit niyang ipinaparanas sa anak ang naranasan niya sa

ama nito? Naalala niya noong mga panahon na nagkikita sila ni Jake pero nami-miss niya pa rin ito.

Because their connection was no longer there. And that was hard. Pero heto at pinaranas niya pa ang

kahirapan na iyon sa anak. Iyon na yata ang isa sa pinakamasakit na bagay na maaring maranasan ng

isang ina. Ang masabihan niyon ng anak lalo na kung sa iisang bahay lang kayo nakatira, nag-uusap

kayo at nagkikita pero iyon pa rin ang nararamdaman ng anak.

Napahugot si Lea ng malalim na hininga bago niya binuklat ang sketch pad ni Janna. Naroroon rin ang

mukha ni Timothy. Nakaguhit rin doon ang masayang mukha nilang mag-asawa. Marami rin silang

mukha roon ni Timothy pero walang nakaguhit roon ni isa na kumpleto silang tatlo, na isinali ni Janna

ang sarili. Samantalang noong maliit pa ito, kahit human stick lang ay ipipilit pa rin nitong gumawa

basta makumpleto lang ang family drawing daw nila.

Ang sumunod na tiningnan ni Lea ay ang iba pang sketch pad ng anak. Nasorpresa siya nang

mabuksan ang isang buong ganoon na puro ang mukha nila ni Jake ang laman. Bago lang iyon.

Nasisiguro niya. Dahil ilang buwan pa lang simula nang iregalo ni Jake ang sketch pad na iyon sa

anak. Iba’t ibang facial expression nila ng ama nito ang naroroon. May nakangiti, nakakunot ang noo,

salubong ang mga kilay, nakatanaw sa malayo at meron ding malungkot at… lumuluha.

Pero sa mga sumunod na pahina ay ang mukha na nilang tatlo ang nakaguhit. Puro mukha na nila ang

mga naroroon at sa bawat ibaba niyon ay parating may caption.

I miss my real parents. I miss my real Daddy. Ilan ang mga salitang iyon sa mga nakalagay roon. Sa

dulo ng sketch pad ay sulat na lang ang nakalagay.

Daddy Tim was the best daddy in the world. He was so good to me. But I still miss my real Daddy. And

when I miss him, I can’t help but be hurt and hate him. Because we could have been a happy family if

only he didn’t hurt Mommy. Masaya ako kay Daddy Tim pero madalas feeling ko, mas masaya sana

kung si Daddy Jake ang kasama ko. He’s not the best Daddy. He makes mistakes. But I love him. I

know he loves me, too. And I feel like Mommy and I could have been happier with him.

Parang napasong nabitiwan ni Lea ang sketch pad sa nabasa. Ngayon ay alam niya na kung bakit

ganoon na lang kalamig noon ang trato ng kanyang anak sa ama nito. Mabilis na ibinalik niya ang

sketch pad sa kama bago lumabas na ng kwarto ng anak.

She needed time to think. Pero si Jake naman ang sumunod na sumalubong sa kanya. Dala na nito

ang mga maleta nito.

“Hindi ako aalis dahil sumusuko na ako.” Agad na sinabi ng binata. “Aalis ako dahil lalaban ako.

Lalaban pa ako. You told me to leave if I push through this. So, here I am. “Matipid na ngumiti ito. “I will

fight for what I feel, Lea. Maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw na handa ka nang

tumanggap ng tenant sa puso mo. Naiintindihan kong napagod ka na dahil sa paglaban mo noon. Kaya

sa pagkakataong ito, ako naman ang lalaban… para sa ating tatlo. I will do all the fighting this time.”

Sumasakit ang ulong napahawak si Lea sa kanyang noo. “Jake-“

“Almost three years ago, you let me go. And again, I understand. But Lea, if love for you meant letting

go then, I’m sorry.” Determinadong tumitig sa kanya ang binata. “Because now, for me, it means

holding on.”

“I’VE packed your lunch. Ipinagluto ko kayo ni Janna. Tara, kain na tayo.”

“Goodness,” Napahawak si Lea sa kanyang dibdib sa pagkasorpresa nang ang mukha ni Jake ang

bumungad sa kanya pagbukas niya ng pinto ng kanyang kwarto. Mayamaya ay nagsalubong ang mga

kilay niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”

Matamis na ngumiti ang binata. “Ipinaglalaban ka.”

“What? ‘Di ba umalis ka na kahapon?”

“Oo. Pero bumalik ako kaninang madaling-araw para magluto. Gaya nang dati. Hindi ko naman

pwedeng pabayaan ang reyna at prinsesa ko. Habang hindi mo pa kayang makipagtunggali sa kalan at

sandok, ako na muna. Sabi ko naman sa ‘yo. I will do all the fighting this time.” Kinindatan siya ni Jake.

“My skills are improving, honey. You should have breakfast with me and Janna. Kahit ngayon lang.

Tinawagan niya ako kagabi. Nabanggit mo raw na babalik ka na sa trabaho ngayong araw kaya

ipinaghanda kita ng packed lunch.” Inilahad nito ang isang palad sa kanya. “Tara na sa kusina?”

Hindi sumagot si Lea. Mauuna na sana siya sa paglalakad nang mabilis na pigilan siya ng binata sa

braso. “Ano na naman?”

Sa pagkasorpresa niya ay ikinulong siya ni Jake sa mga bisig nito. “Kapag sobra na ‘yong sakit at

pakiramdam mo hindi mo na kaya, lumapit ka naman sa akin, o. Please. Ipasa mo sa ‘kin. Sasaluhin ko

para sa ‘yo. Kapag nanghihina ka na, hayaan mo ako sa tabi mo. Kahit hindi mo na ako mahalin. Tutal,

hindi naman ‘yon ang hinihingi ko. I just want to be with you this time. I just want you to feel my

presence this time. Gumanti ka sa mga nagawa ko sa ‘yo noon. Alilain mo ako, magpapaalila ako.

Murahin mo ako. Sampalin mo ako. If those things will ease your pain, then just do it.

“Ayokong magsisi na wala akong ginawa para sa ‘yo lalo na ngayong nasasaktan ka na naman nang

sobra.” Maingat na pinakawalan siya ni Jake. Hinawi nito ang buhok niyang tumatabing sa kanyang

mukha. “Ilang beses na akong nawalan. Kaya alam ko ‘yong pinagdaraanan mo. I won’t distract you

from the pain, Lea. You have to feel it. Completely. So, you can let it go… completely.”

Muli ay hindi nakapagsalita si Lea. May kung anong para bang humaplos sa puso niya. Bumitaw siya

sa binata. Pero hinawakan uli nito ang kamay niya. Napaharap siya rito. He smiled, that familiar warm

smile.

“I want you to start this brand new day with a thought that you are not going through this tough time

alone. I’m with you. So, is Janna. And… we love you. So much.” Itinaas ni Jake ang isang kamao sa

ere. “So, keep fighting, Lea!”

Nangilid ang mga luha niya.

NAPAHINTO sa paglalakad si Lea nang matanaw ang dalawang pamilyar na bulto sa harap ng

architectural firm niya. Sa tabi ng isang itim na sports car ay nakatayo sina Janna at Jake na parehong

nakangiti sa kanya at halos sabay pang kumaway nang makita siya. Mukhang magkasundong-

magkasundo na ang mga ito ngayon lalo na nang magkahawak-kamay pang naglakad palapit sa kanya

ang mga ito.

Alam niyang nasaktan rin ang anak sa pagkawala ni Timothy. But Jake came to their rescue. Dahil sa Content (C) Nôv/elDra/ma.Org.

lalaki ay alam niyang nakakabangon na kahit paano ang anak. Maaliwalas na uli ang magandang

mukha nito ngayon.

Walong buwan. Walong buwan na sa Auckland si Jake. Simula nang bumalik si Lea sa trabaho halos

dalawang buwan na ang nakararaan ay lalong naging hands-on ang lalaki sa bahay niya kahit pa hindi

ito roon nakatira. Hatid-sundo nito si Janna sa eskwela. Pagkagaling roon ay siya naman ang sumunod

na pinupuntahan ng mga ito. Just like the old times. Ito ang nagtuturo ng assignments ni Janna.

Pagdating rin nila sa bahay ay ito pa ang magluluto o kung hindi man ay kakain sila sa labas. Alam na

nito ngayon ang mga paborito nila ng anak.

Sa kabilang village lang din lumipat si Jake. Umaalis lang ito sa tuwing tulog na ang kanilang anak.

Pero bago iyon ay lalapitan na muna siya nito para bigyan ng power hug raw nito na araw-gabi ay

natatanggap niya mula rito.

Deep down, she must admit, she needed that embrace. She needed the quiet assurance that lies

within that embrace, the assurance that the heartaches will end one day. Unti-unti ay nasasanay na

siya uli sa presence ni Jake. Unti-unti ay nagagawa niya nang maniwala sa pagmamahal na nababasa

sa mga mata nito.

Hindi niya pala kayang magmatigas sa mahabang panahon. Lalo na kung nagluluksa pa ang puso

niya. She needed the strength that she can get from his encouraging smile every morning while saying,

“Fight, Lea.”

Gabi-gabi ay ngiti uli ni Jake ang nakikita niya habang sinasabing, “Congrats, you made it today. You

will make it again tomorrow.”

Walang ibang kilala ang lalaki sa Auckland. Iniwan nito ang lahat sa Pilipinas para sa kanila ni Janna.

Pero wala siyang naririnig rito. Ito ang nag-adjust at hanggang ngayon ay pinipilit pa ring mag-adjust

para sa kanilang mag-ina. Alam niyang nahihirapan na rin ito. Pero parati pa rin itong may nakalaang

ngiti para sa kanila.

“’Wag mo akong tingnan nang ganyan, Lea. Pinapaasa mo naman ang puso ko, eh. Nagagwapuhan ka

na ba uli sa akin?” Nagbibirong sinabi ni Jake matapos siyang abutan ng isang bouquet ng dilaw na

rosas, ang paborito niyang mga bulaklak. Araw-araw ay nakatatanggap siya niyon mula rito.

“You’re really here.” Wala sa loob na sagot ni Lea mayamaya. “You really stayed here with us.”

Si Jake naman ang natigilan. Mayamaya ay ngumiti ito. “Where else could I be? My family is here.”

“Walong buwan ka nang nandito. Ang laki na nang isinasakripisyo mo para sa amin. Paano na ang

mga negosyo mo sa ‘Pinas?” Sa kauna-unahang pagkakataon ay naitanong ni Lea.

“I have trusted people who can take care of them. Saka namo-monitor ko naman ‘yon kahit paano mula

rito. May email naman at cell phone. Besides, this isn’t a sacrifice, Lea.” Magiliw na itinaas ni Jake ang

mga kamay nila ng anak. “We’re together. This is happiness.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.