Chapter 21
Chapter 21
PINAGMASDAN ni Dean ang kabuuan ng dream house ni Selena. Tapos na iyon at fully-furnished na
rin. Ganoong-ganoon ang pangarap ni Selena na bahay. Dalawang palapag iyon na puro salamin ang
haligi. Mayroong katamtamang taas na gate na dark brown ang kulay ang gusto ng asawa para
kakulay daw ng mga mata nila ni Elijah. A sad smile formed his lips.
Mayroon iyong hugis-pusong swimming pool sa labas at may maliit na fountain sa bungad. Pagpasok
sa loob ay sasalubong ang pinaghalong krema at pula na siyang mga pangunahing kulay roon bilang
siya ring mga paboritong kulay ni Selena. Mayroon din iyong anim na kwarto. Isang master bedroom,
isang guest room at apat na kwarto ng mga magiging anak nila. Dahil gusto raw ni Selena na
magkaroon ng apat na mga maliliit na bersyon nila.
Pero ngayon ay mukhang sila na lang dalawa ni Elijah ang titira roon, iyon ay kung magagawa niya
iyong tirahan.
Napakarami nang nagbago sa buhay ni Dean sa loob lang ng ilang linggo. Sa huli ay pumayag rin si
Leonna na makipag-areglo sa kanyang ama at ipa-annul ang kasal ng mga ito. Kahit bakas pa rin ang
matinding galit nito sa mga nangyayari ay wala itong nagawa dahil nagbanta ang ama na ibubuking sa
publiko ang panloloko nito. Wala rin itong nakuhang kahit na ano mula sa ama maliban sa mansyon
pero pinamanahan ng huli si Adam ng fifteen percent ng shares nito sa ATC.
Sa kalaunan ay natuklasan na rin ni Adam ang lahat. At kahit pa sinabihan na ito ng ama na malaya
itong patuloy na magtrabaho sa ATC ay kusa pa rin itong umalis doon. At siya… ipinagtapat na ng ama
sa publiko ang tungkol sa kanya. Siya na ngayon ang nag-iisang tagapagmana ng mga Trevino.
Dahil may angkin ring galing at husay ay si Dean ang kasalukuyang namamahala sa ATC na sa oras
na ma-finalized ang lahat ay magiging Trevino Corporation na lang dahil ibinenta na ni Zandro sa
kanila ang lahat ng shares nito sa kompanya. Tuluyan na itong nagretiro sa pagnenegosyo.
Napakalaking responsibilidad kaagad ang nakaatang sa mga balikat ni Dean. Mabuti na lang at
ginagabayan siya ng ama sa bawat desisyon niya. May ilang kumukwestiyon sa kakayahan niyang
mamahala kaya nagsisikap siya na lalo pang husayan ang pagtatrabaho pero sinisiguro niya na hindi
siya nawawalan ng oras sa kanyang anak. Paminsan-minsan ay nakakahanap pa rin siya ng panahon
para magpinta.
Dean now had everything that money can buy. Secured na ang hinaharap ni Elijah. Marami sa mga
nangmaliit sa kanya noon ang personal pang humingi ng tawad sa kanya. Marami na ang mga
nagkakainteres na lumapit sa kanya. Pero wala iyong halaga sa kanya.
Sa kabila ng angking yaman ay nananatili siyang tumutuloy sa San Diego Compound. Gustuhin man ni
Dean na bilhin na lang iyon sa may-ari ay hindi raw nito ipinagbibili iyon. Totoo nga siguro ang sumpa
roon dahil sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Selena pero tumira man siya roon ay wala nang
mawawala sa kanya. Dahil wala naman siyang ibang karelasyon.
Noon at ngayon ay mananatiling pagmamay-ari ni Selena ang puso niya na siyang dahilan kung bakit
naroroon pa rin siya. Dahil gusto niyang sariwain sa isip ang mga masasayang alaala nilang mag-anak
sa unit na iyon.
Naipaalam na rin ni Dean sa kanyang ama ang nangyari sa nakalipas na mga taon. Ito ang siyang
nagpayo sa kanya na umamin na kay Selena at ipagtapat ang kanyang karapatan. And he wanted to
do that. Gusto niyang lumaban muli. Lalo na ngayon na may maipagmamalaki na siya.
Pero noong nakaraang araw ay nadatnan ni Dean sa mansyon ng mga Avila na naghahalikan sina
Selena at Adam. Agad na nalimutan niya ang planong pag-amin. Doon na tuluyang nalusaw ang
kahuli-hulihang tapang niya. Noong mga sandaling iyon ay kasama niya pa mismo ang kanyang anak
nang bumisita siya roon. It was too painful that he had to walk away as fast as he could to spare him
and his son from more pain.
Mapaklang natawa si Dean nang maalala ang anak na paulit-ulit na tumatawag ng mama habang
sakay sila ng kanyang kotse. Kahit karga na ito ni manang Ester ay patuloy pa rin itong nag-iiyak.
Kasalanan niya. Gabi-gabi ay parati niya pa ring kinukwentuhan ang bata ng tungkol sa ina nito
kasabay ng pagpapakita ng larawan ng huli rito kaya siguro ay nakilala pa rin nito si Selena.
Iyong nangyari sa kanila ni Selena sa isla sa St. Lucia, parang isang fairytale. They had their time. And
it was wonderful. Pero siguro nga ay hanggang doon na lang iyon. Dapat nga siguro na makuntento na
siya sa once upon a time na kwento nilang dalawa. Dapat ay masaya na siya dahil sa kabila ng hirap,
hindi pa rin siya mag-iisa dahil may iniwanan pa rin sa kanya si Selena. Si Elijah.
Naipaayos na ni Dean ang annulment papers nila ni Selena sa abogado niya. Pirmado niya na rin iyon.
Ang pirma na lang ni Selena ang kulang at maipo-proseso na iyon. Ipinadala niya na sa mansyon ng
mga Avila ang annulment papers. Hindi niya kakayanin kung siya pa mismo ang magdadala niyon at All text © NôvelD(r)a'ma.Org.
magpapapirma kay Selena dahil siguradong magbabago ang isip niya. Bahala na si Adam o ang mga
Avila kung paano ng mga ito mapapapirma si Selena.
Tutuparin ni Dean ang sinabi niya kay Selena na pakakawalan na ang kanyang prinsesa. Pero
hanggang doon pa lang ang nabubuo niyang plano. Bukod roon ay wala na. Sa ngayon, ang gusto
niya lang ay maging malayang magmahal si Selena at malaya ring makapagpakasal gaya ng gusto
nito.
Tapos na sa wakas ang laban. Natapos na iyon noon mismong araw na nagising si Selena. His body
was willing to fight a little more but his heart and soul were both too drain to join his battle. Suko na
siya.
“DAD?” Maingat na itinulak ni Selena ang pinto sa library ng mansyon para silipin kung naroroon ang
ama. Simula nang magretiro ito ay lalo pa itong nagpursige sa para bang panliligaw nito sa kanyang
ina. Paminsan-minsan ay lumalabas silang tatlo pero madalas ay hinahayaan niya ang ama na masolo
ang ina na para bang nanlalamig pa rin rito na siyang hindi niya maintindihan.
Sabagay, simula nang magising si Selena na kapos ang alaala sa sarili ay napakaraming bagay niya
nang hindi maintindihan. Noong nakaraang araw ay nagkita sila nina Lilian at Chynna. Dinalaw siya ng
mga ito sa mansyon. Mukhang napakaraming gustong sabihin ng mga ito sa kanya pero ramdam niya
ang pagda-dalawang isip ng mga ito pati na ang matinding pagkailang ng mga ito sa kanyang ama.
“Follow your heart. And only then will you find the answers to your questions. Minsan mo nang sinunod
ang puso mo. Kaya ‘wag kang matakot na sundin ito lalo na ngayon, Selena.” Para bang may laman
pang sinabi ni Chynna bago ito nagpaalam sa kanya.
“Just so you know, I still don’t believe in the curse.” Ang mga sinabi namang iyon ni Lilian ang sumunod
na sumagi sa isipan niya.
Muling para bang may pumitik na kung ano sa sentido ni Selena. Ilang ulit niya nang sinisikap na
makaalala dahil hindi mawala-wala sa isip niya ang kutob na may inililihim sa kanya ang mga tao sa
paligid niya. Pero bago pa man dumating ang magpinsan ay nauna niya nang sinunod ang puso niya.
Nakipaghiwalay na siya kay Adam.
“Hindi talaga nakakalimot ang puso ‘no?” Naglaro sa isip ni Selena na mapait na wika ni Adam nang
itulak niya ito matapos siyang hagkan. Hindi niya maunawaan ang mga sinabi nito dahil nagpaalam na
rin kaagad ito sa kanya noong nagdaang araw.
Sa nakalipas na mga buwan ay sinikap niyang gawin ang lahat para mag-work ang relasyon nila ni
Adam pero hindi niya na kayang patuloy pang linlangin ang sarili. Hindi niya na mahal si Adam. Sa
tuwing tinitingnan niya ang binata, sa tuwing naririnig niya ang mga salita ng pagmamahal mula rito, sa
tuwing hawak nito ang kamay niya, yakap siya o hinahagkan siya, puro pasasalamat na lang ang
nararamdaman niya. She was thankful that he loved her. Pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na
siya masaya.
Hangga’t maari ay ayaw ni Selena na bumitaw kay Adam lalo pa at alam niyang mahirap ang
pinagdaraanan nito sa pamilya nito dahil sa biglang pagbaliktad ng mga pangyayari sa buhay nito.
Everyone was surprised when Bernardo Trevino just revealed one day that Dean was truly his son.
Tanging ang mga malalapit na lang sa pamilya ng mga ito ang nakakaalam na hindi tunay na anak ni
tito Bernardo si Adam.
Adam was having a hard time. Pero hindi niya kayang patuloy na kumapit sa isang bagay na para bang
matagal nang binitawan ng puso niya. Isa pa ay hindi rin iyon patas para sa binata. Ayaw niyang
patuloy itong lokohin.
Dahil bali-baliktarin man ni Selena ay iba ang nararamdaman niya para kay Dean. Walang sandaling
hindi pumasok ang lalaki sa isip niya. Walang sandaling hindi siya binulabog ng mga sinabi nito noong
huling pagkikita nila. Gustong-gusto niya itong puntahan pero natatakot siya sa posibleng isipin nito
tungkol sa kanya. Na pagkatapos ng kapatid nito ay ito naman ang isusunod niya?
Bukod pa roon ay hindi niya pa nakakausap ang mga magulang tungkol sa paghihiwalay nila ni Adam.
Ang buong akala ng mga ito pati na ng umaasa pa rin hanggang ngayon na si tita Leonna ay sila pa rin
ni Adam ang magkakatuluyan.
Tumuloy pa rin si Selena sa library kahit na hindi nakita roon ang ama. Doon niya na lang siguro ito
hihintayin. Ang ama ang una niyang kakausapin tungkol sa kinahantungan ng relasyon nila ni Adam
tutal ay ito ang una pa man ay may gusto nang magpakasal sila ni Adam, ito ang siyang
nakipagkasundo sa mag-asawang Trevino. She was hoping that her father will understand. At
pagkatapos ay bahala na pero pupuntahan niya na si Dean.
Naupo si Selena sa harap ng mesa ng ama. Kumunot ang noo niya nang mayroong mapansing brown
envelope doon. Sa labas niyon ay may nakalagay na buong pangalan ni Dean. Ilang sandaling tinapik-
tapik niya ang mesa, nag-aalinlangan sa iniisip na gawin. Anomang laman niyon ay para sa kanyang
ama lang kaya iyon naroroon pero hindi niya mapigil ang namumuong curiosity.
Everything about Dean intrigued her. Parating parang may laman ang mga salita at titig nito noon sa
kanya. Mayamaya, nang hindi na mapigilan ang sarili ay tiningnan ni Selena ang laman ng envelope.
Napaawang ang bibig niya nang mabasa ang nilalaman ng mga dokumento. Annulment papers iyon…
nila ni Dean na pirmado na ng huli. Ilang ulit niyang ikinurap-kurap ang mga mata para siguruhin na
hindi siya nililinlang lang ng kanyang paningin pero iyon at iyon pa rin ang nababasa niya.
Kumakabog ang dibdib na napatayo si Selena. Kasal sila ni Dean? Anong ibig sabihin niyon? Bakit
walang nagpaalam sa kanya? Ipinapa-annul na nito ang kasal nila pero hayun siya at walang
kamuwang-muwang sa pinaplano nito?
Ilang sandaling nagpalakad-lakad si Selena sa loob ng library. Nanlalamig ang kanyang mga palad sa
pinaghalo-halong emosyon. Napakarami niyang tanong. Pero bakit parang walang gustong magbigay
sa kanya ng mga sagot? Nang hindi na makatiis ay nagmamadaling nanakbo si Selena palabas ng
library, palabas ng mansyon. Nasalubong niya pa ang nagtatakang ina pero inignora niya ito. Kahit ito
ay hindi niya sigurado kung pagkakatiwalaan niya pa. Gaano karami pa kaya ang posibleng itinatago
ng mga ito sa kanya?
Kung ganoong halos lahat ng nakapaligid sa kanya ay pinaglilihiman siya, sino pa ang
pagkakatiwalaan niya?
God… Halos pasigaw na inutusan ni Selena ang gwardya na buksan ang gate. Mabilis ang kilos na
sumakay siya ng kotse at pinatakbo iyon. Noong nakaraang mga linggo niya pa nalaman ang address
ni Dean. Ipinahanap niya iyon kay Domingo na kataka-takang kabisado ang tinutuluyan ng asawa niya.
Dahil nang iutos niya iyon rito, oramismo ay dere-deretsong ni-recite nito sa kanya ang address ni
Dean. It was like Domingo was familiar with the address the way that she was familiar with it.
San Diego Compound. Nakasisiguro siyang narinig niya na iyon. At ang daan papunta roon… bakit
parang kahit nakapikit siya ay tanda niya?
Nang makarating si Selena sa compound ay madilim na. Parang kabisado na ng mga paa niya ang
tiyak na patutunguhan. Unit 1-E. Pero bago pa man siya makarating roon ay may humarang sa
kanyang babae na mukhang nakatira rin sa isa sa mga unit roon. Kahit ang mukha nito ay pamilyar din
sa kanya.
“Hi,” Bati nito. “I heard what happened to you and your child. I’m sorry that you lost your baby, Selena.”
Napasinghap si Selena sa narinig. Muli ay kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya na ito nasagot.
Wala sa sariling tumuloy siya sa unit 1-E. Hindi pa man siya kumakatok sa pinto ay bumukas na iyon.
Bumungad sa kanya ang isang matandang babae na maaliwalas ang bukas ng mukha. May kalong
itong bata. Ang anak ni Dean. Si Elijah.
“Anak!” Agad na bulalas ng matanda. Bago pa man makapagsalita si Selena ay hinila na siya nito
papasok sa bahay. “Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Shera. Pero natitiyak ko na may plano ang
Diyos.” Napaluha ang matanda. “Bakit ngayon ka lang umuwi, anak? Ano ba ang nangyari sa ‘yo?”
Hindi na nakaimik pa si Selena. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Naroroon ang painting niya
kasama ang dalawang sanggol na babae at lalaki. Ang lalaki ay kamukhang-kamukha ni Dean habang
kamukha naman niya ang babae. Napakaliwanag ng anyo niya roon. May ningning sa kanyang mga
mata at mayroong masayang ngiti sa mga labi. Bukod roon ay mayroon pang ibang mga larawan
siyang nakita. Mga larawan niya na kasama niya si Dean… at ang mga bata.
Nag-init ang mga mata ni Selena. Mabilis na naupo siya sa naroong sofa sa takot na bumigay ang mga
tuhod niya. Sumunod na napatitig siya sa batang lalaki na ngayon ay mabagal na humahakbang
palapit sa kanya. Natumba ito pero pinilit nitong muling bumangon at tumayo. Natutop niya ang
kanyang dibdib nang magpatuloy sa paghakbang ang bata. Mayroong munting ngiti sa mga labi nito.
Awtomatikong ibinukas niya rito ang kanyang mga braso kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Pumaloob sa mga naghihintay na braso ni Selena ang bata. Kinarga niya ito habang patuloy pa rin sa
pagbagsak ang kanyang mga luha. Nang hindi na mapigil ang sarili ay niyakap niya ito. Mariing naipikit
niya ang mga mata nang marinig ang paghagikgik nito. Kasabay niyon, bigla ay may mga boses siyang
naririnig sa kanyang isipan. Iyon ang para bang nagdu-duet na pag-iyak ng mga sanggol.
“Ano bang klase ng bahay ang gusto mong itayo natin rito, mahal?” Muli ay ginambala ng boses na
iyon ng estranghero ang isip ni Selena pero sa pagkakataong iyon ay malinaw na wala siya sa loob ng
isang panaginip.
Hindi nagtagal ay bahagyang luminaw ang mga imaheng nakikita ni Selena sa kanyang isipan. Nakita
niya ang sarili na kalong si Elijah habang ang kausap niyang estranghero ay naaninag niyang may
kalong rin na batang babae. Hindi niya pa makita ng husto ang mga ito dahil parang natatakpan ang
kalahati ng mukha ng mga ito ng kung anong madilim na kulay.
“How about you? What’s your dream house, mahal?” Ani Selena. “Syempre, dapat pareho nating
paplanuhin iyon dahil iyon ang magiging permanenteng tirahan natin.”
Para namang naaaliw na natawa ang estranghero. “Come on. Nakita ko ang iginuhit mo sa sketch pad
mo noong nakaraang linggo. I know that was your dream house, mahal. Hinihintay ko lang na iabot mo
sa akin ang design para maipagawa na natin. Don’t mind me. Alam mo namang ikaw lang ang
pangarap ko. Nasa tabi na kita. Idagdag pa itong mga makukulit na tsikiting na ito.” Inginuso nito ang
mga sanggol na kalong nila. “Buo na ang buhay ko. Buo na ang pangarap ko. What more can I ask
for?”
Malawak na napangiti si Selena. “Nasabi ko na ba sa ‘yo kung gaano ako kaswerte dahil ako ang
minahal mo? I love you so much, Dean.”
Dean. Agad na napamulat si Selena. Kung ganoon ay si Dean… ang lalaki sa kanyang mga
panaginip? Unti-unting nagkaroon ng tunog ang kanyang pag-iyak. Muli siyang napatitig kay Elijah.
“Mam-ma. Mam-ma.” Kumakawag pang wika ng bata habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.
“Mam-ma.”
“Oh, God. Oh, God.” Napatayo si Selena. Parang mababaliw na naiabot niya ang bata sa matandang
babae roon na mabilis namang kinuha nito. Nanginginig ng husto ang kanyang mga kamay at
natatakot siyang mabitiwan ang bata anumang oras. Napahawak siya nananakit nang ulo. Para iyong
pinupukpok ng kung anong napakatigas na bagay.
“Selena?”
Mabilis na tumuon ang mga mata ni Selena sa bungad ng pinto nang marinig niya ang pamilyar na
baritonong boses na iyon. Nakita niya si Dean na puno ng pag-aalala ang anyong nilapitan siya.
“Dean.” Wala sa loob na bulong niya. “Dean.” Napasigok siya. Dumiin ang pagkakahawak niya sa ulo
na patindi nang patindi ang pananakit. Nang hindi niya na mapigilan ang sarili ay napasigaw siya
kasabay ng pagbigay ng mga tuhod niya. Pero bago pa man siya tuluyang bumagsak sa sahig ay agad
na nasalo na siya ni Dean.
Muling naipikit ni Selena ang mga mata kasabay niyon ay para siyang nanonood ng isang pelikula na
sunod-sunod na nanumbalik sa kanya ang lahat.
“Selena? Selena, anong nangyayari sa ‘yo?” Marahang niyugyog ni Dean ang mga balikat ni Selena
pero nanatili siyang hindi dumidilat. “Manang, tumawag ka ng ambulansya, please!”
Napahagulgol si Selena. Palakas iyon nang palakas. Ni hindi niya magawang magmulat… sa
matinding panliliit, sa takot, sa galit at sakit na alam niyang lahat ay masasalamin niya sa mga mata ng
kanyang… asawa.
“Selena, utang na loob, magsalita ka. Sabihin mo naman sa akin, mahal, kung anong masakit sa ‘yo,
please.”
Namimigat man ang ulo ay sinikap pa rin magmulat ni Selena. Pero sandali lang iyon. Dahil mayamaya
ay bigla na lang nagdilim ang lahat sa kanya.